Kris supports Duterte administration: I pray for President Duterte

Ayon sa report ng GMA News, suportado raw ng TV host-actress na si Kris Aquino ang administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, na manunumpa na bilang bagong Pangulo ng Pilipinas sa Huwebes, June 30.

Kahit si Mar Roxas ang ipinangampanya nito noong eleksyon, ipinagdarasal raw ni Kris ang tagumpay ng administrasyon ni Duterte, at hinihikayat niya ang lahat na suportahan rin ito.

"I'm praying for them... Kailangan ipagdadasal mo kung sinoman ang leader ng bansa. I pray for President Duterte, I pray that our country will continue to prosper economically," ayon kay Kris, na kapatid ni outgoing president Benigno Aquino III.


Dagdag pa niya, "In the same way na maraming nagdasal for Noy, I'll do my share also this time. Siyempre, stakeholder rin ako sa bansang ito at may mga anak ako at gusto ko rin ang makabubuti para sa kanila."

Mapapanood si Kris sa Kapuso morning talk show na "Yan Ang Morning!" sa darating na Biyernes, July 1. 

Source: GMA News
Kris Aquino supports Duterte administration: I pray for President Duterte Kris Aquino supports Duterte administration: I pray for President Duterte Reviewed by FilipiNews PH on Wednesday, June 29, 2016 Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.