P10-M halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug buy bust operation kung saan narekober ang dalawang kilo ng hininihinalang shabu na may street value na P10-million mula sa kanila. 

Kinilala ang mga nahuli na sina Mark Chu Tiu at Cherry Ann Trinidad, na umano'y miyembro ng malaking grupo ng mga tulak droga. Ayon kay Regional Director Erwin Ogario, higit anim na buwan silang nagsagawa ng surveillance kay Tiu, bago tuluyang nahuli. 

Nakatakdang sumailalim mamayang hapon sa inquest proceedings ang mga suspek.

Source: Latest Updates

Watch the video below:


P10-M halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA P10-M halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA Reviewed by FilipiNews PH on Thursday, June 09, 2016 Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.