Nakatali ang leeg at bunganga, nakagapos ang kamay, at wala nang buhay na nakasandal sa poste ng ilaw ang isang kumpirmadong pulis na si PO3 Michael Lee Malalad sa isang liblib na lugar sa Barangay Ubihan, Meycauayan Bulacan.


Suot ang kanyang uniporme, nakalagay naman sa kanyang dibdib ang isang karatulang may nakasulat na: "Pulis na pusher, wag tularan."



Natagpuang patay ang isang pulis na isinasangkot sa droga
Photo by ABS-CBN News
Matataas ang talahib at may tubig sa paligid sapagkat ito ay isang palaisdaan.

Makipot ang sementadong kalsada, magkakalayo rin ang mga poste ng ilaw kaya talagang madilim at pinapaalalahanan ang mga motorista na bumiyahe ng maingat.


Kwento ng barangay tanod na si Policarpio Condecido, bandang 1 a.m. ng itawag ng isang napadaang motorista sa kanilang himpilan ang nakitang lalaki sa ligaw na landas.



Agad silang pumunta sa lugar at naobserbahang patay na ang lalaki, saka tinawag ang Meycauayan Police.

Panoorin and video:



Source: ABS-CBN News
Natagpuang patay ang isang pulis na isinasangkot sa droga Natagpuang patay ang isang pulis na isinasangkot sa droga Reviewed by FilipiNews PH on Thursday, July 07, 2016 Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.