Bong Revilla slams De Lima: Walang takas sa karma
Photo by Inquirer
“Senator de Lima, walang takas sa karma."

Ito ang reaksiyon ni former Senator Bong Revilla Jr. tungkol sa issue na hinaharap sa kasalukuyan ni Senator Leila de Lima.


Si Leila De Lima ang dating secretary ng Department of Justice na nagsangkot kay Revilla at sa kaibigan niyang si dating Senator Jinggoy Estrada sa PDAF scam, na naging dahilan ng pagkakakulong nila sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Sina Bong at Jinggoy ay dalawang taon at dalawang buwan nang nakakulong sa Camp Crame .

“You dish it like the self-righteous person you are but act like a victim when you’re on the receiving end," sabi ni Revilla.

“Kaming mga kalaban niyo, ginawan niyo ng kuwento at dinurog niyo ang pangalan at pagkatao ng ganun na lang.

Ani Revilla, “Kaya ngayon, ang masasabi ko lang, sagutin mo nang diretso ang mga paratang sa ‘yo.

“Tapos na ang ilusyon mo. Harapin mo ang katotohanan."

“What goes around comes around.”

Sinabi rin ni Bong na kung saan siya dinurog at nadapa, doon siya babangon. 

Source: PEP, Newsinfolearn


Bong Revilla slams De Lima: Walang takas sa karma Bong Revilla slams De Lima: Walang takas sa karma Reviewed by FilipiNews PH on Friday, August 19, 2016 Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.